I just feel na kailangan ko talagang ishare to haha
2nd sem AY 2011-2012…. Ito so far ang pinakamemorable kong sem. Hindi dahil ito yung latest at fresh sa alaala ko pero dahil ito ang sem na sobrang INIYAKAN KO HALOS LAHAT ng subjects ko. Hindi mabigat ang units ng course ko pero bigatin ang mga subjects ko sa mga requirements. Gayunpaman, dahil kadalasan hindi naman nagsasabay sabay ang mga requirements ko every sem, kapag last day of classes halos wala na akong mga requirements. Pero iba ang sem na ito…
Ganun talaga siguro kapag nagiging familiar na tayo sa mga bagay na nangyayari sa atin. Kadalasan nagiging sanay na tayo tapos nagiging pabaya tayo at petiks. Mahirap ang mga subjects ko last sem pero naenjoy ko naman ang mga ito kahit na iba-iba yung nature ng mga prof ko. May mga sobrang mapapabilib ka. Merong mga hahangaan mo ng bongga. Pero meron ding mga hindi mo talaga magegets o maiintindihan. AS IN. Pero ngayon na inaalala ko ang mga ito, di ko maikakaila na naenjoy ko talaga sila at marami akong natutunan. Anyway, so un. Tapos na. JOKE. haha Kapag inaalala ko kung papaano ko pinagdaanan yung mga subjects ko na ito, kapag inaassess ko yung performance ko, pwera biro… naging petiks talaga ako. May mga requirements ako at lessons na tinake for granted kaya nung patapos na yung sem nagcram ako. haha
Hindi talaga maganda ang pagcacram. Nung March ko narealize kung gaano kabigat ang aking mga requirements. Nagsabay sabay silang parang mga kabute na sumulpot na lang kung saan saan. haha Though yung iba matagal na talagang nandyan pero hindi ko lang pinapansin. Nung mga panahong ito sobrang stress talaga ako. May mga panahon pang tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ba ako nag-aaral at ano ba ang mapapala ko sa mga pinag-aaralan kong ito e hindi naman lahat ng ito magagamit ko sa hinaharap. Naalala ko, may time pa na tinawagan ko yung nanay ko tapos sabi ko “Ma, yoko ng mag-aral”. haha Nung mga panahong ito sobrang litong lito ako. As in. Anim ang subjects ko pero March na at isa palang ang natatapos. As in bugbog ako ng papers at kung anu ano pa pero grabe. Iba talaga kapag si God ang magsusustain sa iyo. Hindi mo na kailangan ng energy drink o kung anu ano pa dahil Siya na talaga ang bahalang gagabay sa lahat ng gagawin mo.
Nung nagstart ang March as in feeling ko broken ako. Di ko lam gagawin ko tapos kapag naaalala ko yung acads ko e maiiyak na lang ako. Ganito-ganito ako dati nung di ko pa kilala si Jesus. As in ang nega ko tapos bilis kong magalit sa mga bagay bagay pero nung mga panahon na ito, kung saan feel ko ng magalit ng sobra dahil sa mga deadlines ko, God would just remind me na hindi ako nag-iisa. As in. :) Nung mga panahong ito sobrang nagcry talaga yung heart ko kay God.
“Lord, show me Your glory so I can glorify You.”
Honestly nahirapan ako ng mga panahong ito na i-glorify si God. Ang hirap magsubmit kapag hindi OK ang mga nangyayari sa paligid natin pero sobrang ibang magmahal ang Panginoon natin. Kahit na mga pasaway tayo, hinding hindi Niya tayo pinapabayaan. Lagi lang Siyang nasa tabi natin. Kahit na pakiramdam natin nag-iisa tayo hinding hindi Siya umaalis sa tabi natin. Ganyan Niya tayo kamahal. :)
“Lord, kahit na anong mangyari. Kahit na bumagsak ako sa mga subjects ko… basta alam ko mahal mo ako. Di magbabago kung anong plano mo sa akin. Sabi mo sa Word mo Your will is good, pleasing and perfect tapos sabi mo pa it is Your will to prosper us and not to harm us. So kahit na anong mangyari, OK lang.”
I remembered myself praying this nung mga panahon na iyon. With matching tears. haha
Hebrews 11:1
“Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.”
Assurance about what we do not see… “Sige, Lord. Kayo na ang bahala.”
Kapag gumagawa ako ng mga requirements ko, sobrang nakikipaglaban ako sa sarili ko. Isa akong mandirigma at nakikipaglaban ako sa MGA dragon. haha Pero ang cool dahil ang shield ko ay si God. Siya ang aking PROTECTOR mula sa mga fears, weaknesses, at insecurities na iniinflict ng mga dragons na ito. May mga times na magbebreak down ako dahil di ko kinakaya ang bigat ng mga bagay na pinapasan ko pero God would lift my burdens and cheer me up. When I say cheer up hindi lang yung tipong mareremind lang ako na God is good pero as in IPAPAKITA NIYA SA AKIN THROUGH DIFFERENT WAYS. :) May it be blessings or even just witnessing His greatness. WOW. Kikiligin ka na lang talaga. haha Nung simula ng March sobrang confuse ako pero sobrang pasensyoso talaga si God. haha Slowly, but surely, everything cleared up. Everytime I completed a subject, sobrang napapa”Thank You, Lord!” ako pero maaalala ko na may iba pa tapos madidiscourage na naman ako PERO God would remind me TO BE THANKFUL IN ALL THINGS. haha Naalala ko, madalas kong masabi sa mga roommates ko na “Ayoko naaaaaa” nung mga panahon na ito tapos sobrang narebuke lang ako ng mga roommates ko. haha “Nes, nagiging nega ka na naman.” Yup. Marami talagang itinuturo si God sa akin nung mga panahon na ito. :)
All through out that month ginawa ko lahat ng requirements ko. One step at a time. Madalas kong kinakausap si God. Tinatanong. Iniiyakan. Sinasabihan ng kung anu-anong nararamdaman ko. haha At kahit kailan di pumalya si God na icomfort ako. :) Anyway, natapos ang sem ko na tapos lahat ng requirements ko. Dahil sunod sunod at sabay sabay ang mga requirements ko halos ilang araw ko lang ginawa ang mga ito kaya di ako confident sa performance ko. Pero sabi nga sa Philippians 4:13…
“I can do all things through Christ who strengthens me.”
Ito pa. Sabi sa Matthew 7:7…
“Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you.”
BECAUSE OF HIM, I WAS ABLE TO FINISH ALL OF MY REQUIREMENTS. :)
After that, I don’t want to think about my grades anymore.
“Basta natapos ko na lahat. OK na un. Thank You, Lord. Dahil sa Iyo nagawa ko lahat ng ito.Yung inaakala kong imposible nagiging posible sa Inyo. Galing!”
True enough… :)
Takot akong alamin ang grades ko this sem dahil takot akong makita ang mga ito na bagsak bagsak. Pero iba talaga si God na magmahal!!! Yung grades na inaakala kong bagsak bagsak… ANG MGA ITO PA ANG SIYANG HUMILA SA GWA KO PATAAS. AS IN PATAAS TALAGA. AS IN!!!!!!
Pero higit dito, wala pa ring tatalo sa experience, sa mga lessons, at sa mga revelations na nakuha ko sa karanasan ko na ito. Un ung ultimate na blessing for me e. Yung outcome nun bonus na lang. :) Ganyan magmahal si God. He doesn’t want the good things for us. He wants the best for us! :)
Kaya ikaw kapatid! Be excited! You want Him? You want more of Him?
“But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.”
Matthew 6:33
HE NEVER FAILS.
:)

With churchmates while wearing our statement shirts. hehe Thank You, Lord!



